Thursday, May 6, 2010

Beer Session with Tito Joseph



2:00pm Sunday - Ate Toni's Pad 11th Floor

Toni:  Dad, alis muna kami ni Jon.  Mag-grocery lang kami.

Jonathan: Uy insan bantayan mo yan si dad.  Wag mo hayaang maparami inom.

Toni: Hindi na nga dapat umiinom yan eh.  Tanghaling tapat umiinom kayo.

Joseph: Magsialis na nga kayo.  Pati 'tong nagiisa kong bisyo pinakikialaman nyo pa.

Toni: Hay naku dad, yung atay mo naka-thumbtacks na lang dyan sa katawan mo.

Franco:  Sige na, ako na bahala kay tito.  Wag kayo mag-alala.

Ate Toni  and Jonathan left the pad with only me and Tito Joseph having a drinking session after lunch.

Joseph: Kumusta naman ang pad?

Franco: Tito it is amazing.  Thank you very much talaga sa pagpapahiram sa akin nung place.  Ayaw ko namang sa Antipolo pa ako uuwi araw-araw.

Joseph: Well mas mabuti na nga yang ganyan na dito ka malapit sa mga pinsan mo.  Sabi sa akin ng mama mo bantayan daw kita.

Franco:  Hahahaha, bakit naman?

Joseph: You think I don't know your Philandering exploits in New York.

Franco: Ouch naman.  Para namang napakababaero ko na nun.

Joseph:  Baket hindi ba?

Franco: Tito, I only have one serious girlfriend in New York.

Joseph: One SERIOUS Girlfriend.  Pero ilan naman yung mga di serious? Yung mga dinate mo and God knows what else happen between you and those girls.

Franco: Ilan lang naman yun.

Joseph: Kita mo na, iyan ang sinasabi ko.  Halos Limang taon ka dun.  Limang taon mo nang habit yang pambababae.

Franco:  Tito, puro stress ang college.  Paminsan minsan pampatanggal din ng pagod yun.

Joseph: Alam ko naman yun.  Dinaanan ko rin naman yan nung binata pa ako.  Pero sinasabi ko lang sa 'yo mag-ingat ka.  Namputsa, dati mukha kang mascot ngayon nagmukha ka lang artista lumandi ka na.

Franco: Tito nasa dugo natin yan.  Kampay!!!

Joseph: Sira ka talaga.

Tito Joseph sipped on his bottle when suddenly he reached out to his stomach as though he was in agonizing pain.

Franco: Tito!  Baket?  Naku baka yan na yung epekto ng alak sa inyo.  Tama na, wag nyo na 'tong ubusin.

Joseph:  Wala ito.  Sumasakit lang yung tiyan ko.

Franco: Tiyan?  Ni di ka pa nga kumain, paano sasakit tiyan mo?

Joseph: Huwag mo nang pansinin 'to.  Ayan wala na.  Di na masakit.

Franco: Are you sure?

Joseph: Oo sabi.  Umupo ka na dyan.  Para kang Ate Toni mo.  Masyadong paranoid.

Franco:  She is just concerned Tito.  All of us are concerned about your condition.  Anlakas nyo daw uminom eh.  Nagpacheck-up na ba kayo?  Baka kung ano na yan.  Uso Liver cancer ngayon.

Joseph: Wala nga ito.  Liver Cancer?  Eksahirado ka naman.  Wala namang dapat problemahin.  I'm completely fine.

Franco:  If you say so Tito.  Pero if you have time please try to consult a doctor.  Please?

A moment of silence.  Tito just took a drink and didn't answer my request.  So I changed the topic.

Franco: Sino nga pala kasama nyo sa Antipolo?  Ate Toni got married.  Jonathan is also here.

Joseph: Ayun, mga katulong at katiwala.  Pero di rin naman ako madalas sa bahay.  Kasi lagi akong nasa Crame.

Franco: Wala pa ba kayong balak magretiro?  Para naman, makapagrelax-relax kayo.  Pumunta kayo states. Sabihan ko sila mama na...

Tito Joseph cut me before I even finished my line.

Joseph: Oi, malakas pa ako.  Sa tono ng pagsasalita mo parang matanda na ako at inutil.

Franco: Hindi naman sa ganun Tito.  Ang punto ko lang, you don't need to stay in the Force.  Maganda naman takbo ng negosyo nyo sa mga condominiums.  Pareho naman nang kumikita mga anak mo.  Hindi mo na kailangang magpakapagod sa pagpupulis mo.

Joseph: Alam mo namang, mula kabataan ko pa eh talagang pagpupulis na ang pangarap ko pamangkin.  Kaya nga tumagal ako sa serbisyo.  Lahat ng uri ng tao nakilala ko na sa trabaho ko.  Nasubukan ko na ang lahat ng bawal.   Pero hanggang ngayon, ni minsan di tinulot na matanggal ako sa serbisyo.  Ngayon pa ba ako aayaw?  I believe this is my calling.

I just smiled.  I reached out for my Tito's hand and squeezed it tight while smiling at him. 

Joseph: I will stay in the force as long as I can.  I will not leave my duties and responsibilities and most specially di ko iiwan ang trabahong pinanumpaan ko na tutuparin ko ng buong giting at gilas.

Tito took another sip from his bottle.  


Joseph: Dito na ako mamamatay...


But after gulping down the last of his beer, once again I saw pain on his face.

Joseph: AAAhAAAHAahHAHAHHHhhH!!!

Franco: Tito!  Sabi na kasing tama na inom.  Ano masakit ba?  Itakbo na kita sa ospital dali.

Joseph:  Huwag kang praning.  CR lang katapat nito.  Magbabanyo lang ako.

Franco: Ah basta tama na ito.  Ako rin di na iinom.

Tito went to the toilet while I took all the beer on the table and stocked them inside the fridge. Then Tito came out of the toilet and threw something towards me.

Franco:  What's this?

Joseph: A key what else?

Franco: I know, I can see it.  What I mean is, para saan 'to?

Joseph:  Let's go to the parking area, I'll show you.

3 comments:

steph said...

At last... nabasa ko na rin post mo.. Thanks! I really laugh dun sa "CR" episode na un. :)

Anonymous said...

"Namputsa, dati mukha kang mascot ngayon nagmukha ka lang artista lumandi ka na"-- nice one si tito! :D

Unknown said...

u should insist for your tito to have a chek up..as i see it..its kinda bad na talaga..wala naman cgro mawawala if mag pa executive chek up yung tito mo..besides men at his age should have a yearly chek up..i know u care for him..