Thursday, April 15, 2010

Lunch Time Dialogue


12:25pm Sunday - Ate Toni's Pad 11th floor

Franco: Wow, sarap mo talaga magluto 'te. Suwerteng suwerte talaga mister mo.

Toni: Huy hinay hinay lang. Parang mauubusan ka.

Franco: Hahaha pagbigyan mo na ako, namiss ko luto mo eh. Jonat, paabot naman nung bagoong.


Jonathan: Hahaha sige na ate pagbigyan mo na. Parang ngayon lang ulit nakakain ng totoong pagkain.

Franco: Ay sinabi mo pa. Sa New York, puro microwave food o kaya galing sa fast food ang kinakain ko araw-araw. Kaya minsan nakakawalang gana ring kumain.

Toni: So kaya ka pala pumayat. Di ka na kasi kumakain.

Franco: Kumakain naman ako.  Minsan din pag umuuwi ako sa Jersey, nagluluto si Mama.  Kaya lang with the pressure of College plus I also joined the Glee Club kaya medyo tadtad ako ayun, nangayayat tuloy ako.

Jonathan: Wow, oo nga pala kumakanta ka.

Franco: Actually first choice ko ang Drama Club but mas demanding sa schedule. I tried the Drama Club for one season, nakasali pa ako sa production ng RENT. Halos araw-araw ang rehearsals, di ko kaya. Then nalaman ko sa Glee club once or twice a week lang ang rehearsals kaya ayun I quit Drama club and I auditioned for Glee Club. Natanggap naman ako.

Toni: Inis naman, dapat pala pinakanta kita sa wedding. Ito naman di sinabi.

Jonathan: ngayon ko lang naala.

Franco: Hahaha next time 'te.

Toni: Para namang ikakasal ako ulit sira ka ba?

Franco: What I mean is next occasion. Kakanta ako, kung iyan ang ikakasiya mo.

Toni: Sige sige. Sa birthday ni Papa, magpapahanda kami, kakanta ka.

Franco: Yun lang ba? No problem. Para kay Tito anytime.

Toni: Yung "Hanggang" ni Wency alam mo?

Franco: Yeah, I like that song. Sige kantahin ko yan sa Birthday ni Tito Joseph.

The conversation is still not over when the door just opened. We stopped the conversation as the man enters the dining area.

Toni: Pa, kain.

Franco: Tito.

Tito Joseph: Anu ba yang pinaguusapan ninyo at narinig ko pa pangalan ko?

8 comments:

steph said...

can u sing for me franco? lol...
sarap ng food!

Franco said...

@steph why not? Ano ba gusto mong kantahin ko? hahaha

steph said...

hmmm... If your cousin wants something ballad, I want you to sing an alternative rock like "I'll be". hehehe... Well, when is your next post?

Franco said...

@steph

I'm not a rock person but yeah I can sing rock as long as I know the song :) I'll try to post the next post tonight, medyo busy eh.

steph said...

i see, sorry medyo atat, fave pass time ko kasi magbasa ng blog nyo ni Ms.V, dito sa office. lol! Wait, you didn't mentioned here what food your eating aside from bagoong. I imagined its kare-kare with bagoong. Am i right?

Franco said...

@Steph yeah one of the dish is karekare kaso wala akong stock photo ng Kare-kare :)

Anonymous said...

i like your blog! I hope you write more often though ;) I'm also a balikbayan (got tired of NYC lights and realized there's nothing better than the smell of Pinas air), so I was so excited to read about your story..
more power!

steph said...

Miss ko na ang next post mo Mr. Franco, although I know super busy ka. :)